--Ads--

CAUAYAN CITY – Kasagsagan ng pag-aani ng mga pananim na palay sa lalawigan nang umulan ng malakas dahil sa bagyong maring.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Provincial Social Welfare Development Officer Jun Pagbilao ng Quirino na nakaranas ang kanilang lalawigan ng malakas na ulan at hindi kalakasang hangin na dulot ng Bagyong Maring.

Inihayag ni PSWD Officer Pagbilao na bagamat walang mga residente ang inilikas dahil sa bagyo ay lubha namang naapektuhan ang kanilang mga magsasaka dahil kasagsagan ng pag-ani ng palay.

Makikita anyang maraming nakabilad na mga palay sa mga lansangan nang biglang umulan sanhi para mabasa ang kanilang produkto.

--Ads--

Nagkaroon din ng pagtaaas ng antas ng tubig sa overflow bridge sa Mddela at nagtala din sila ng pagguho ng lupa patungong Don Mariano Perez ngunit kumilos ang mga kawani ng Provincial Engineering Office at agad na naayos ang daan na maaari nang daanan.

Ang bahagi ng pahayag ni Provincial Social Welfare Development Officer Jun Pagbilao.