CAUAYAN CITY – Umabot sa 158.2 million ang halaga ng pinsala sa mga tanim na palay, mais, gulay, livestock at fishery sa pananalasa sa ikalawang ng bagyong Maring.
Pinakamalaki ang pinsala sa palay at mais sa Cagayan at Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng Department of Agriculture (DA) region 2 na sa Cagayan ay umabot sa 3,904 hectares ng mais ang bahagyang napinsala habang 100 hectares ang ganap na nasira.
Ang mga apektadong magsasaka ay 17,684 at ang estimated loss 1,972 metric tons (MT) na may katumbas na halaga na 23.6 million.
Sa palay sa Cagayan ay 7,863 hectares ang bahagyang nasira habang ang ganap na napinsala ay 623 hectares.
Ang mga apektadong magsasaka ay 7,231 at ang tinatayang ay 4,534 na MT may katumbas na halaga na 64.4 million.
Sa Isabela ay 5,987 hectares ang partially damaged at walang ganap na nasira.
Ang pinsala ay 3,451 MT na may katumbas na halaga na 48.3 million at ang mga naapektuhang magsasaka ay 3,908.
Sa Nueva Vizcaya ay 65 hectares ang bahagyang napinsala at walang ganap na napinsala.
Ang mga apektadong magsasaka ay 148, ang pinsala ay 37 MT na may katumbas na halaga na mahigit .5 million.
Sa Quirino ay 10 hectares ang partially damaged, ang pinsala ay 2.3 MT at may katumbas na halaga na mahigit 300,000
Sa high value crops o mga gulay ay 116 hectares ang bahagyang napinsala, 35 hectares ang ganap na nasira at 531 ang mga apektadong magsasaka.
Ang pinsala ay 1,583 MT at may katumbas na halaga na 22.1 million.
Sa livestock sa Cagayan tulad ng mga kambing, karnero, pato at manok na nalunod at namatay 182 ang mga apektadong mamamayan at may katumbas na halaga na 860,000.
Sa Quirino ay tatlo ang nawalan ng mga baka at kambing na may halagang 78,000.
Sa fishery sa Cagayan ay 697,000 ang halaga ng pinsala sa aquaculture habang sa Isabela ay 1.9 million.
Ayon kay Ginoong Edillo, ang listahan ng mga naapektuhang magsasaka ay mangggaling sa mga LGU’s.
Magsasagawa and DA ng validation para sa ibibigay ng ayuda sa mga apektadong magsasaka.












