--Ads--

CAUAYAN CITY– Ipapatupad ang temporary closure sa mga private at public cemetery /memorial park simula October 29, 2021 hanggang November 4, 2021.

Batay sa Executive order Number Number 80-2021 na nilagdaan ni City Mayor Bernard Dy ipapasara ang mga ang mga sementeryo sa buong Lunsod ng Cauayan sa mga nabanggit na araw upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 .

Magugunitang kahapon, October 14, 2021 ay mayroong 143 active cases ang Cauayan City matapos magtala ng dalawamput tatlong panibagong kaso at isang ang naidagdag na nasawi.

Simula anya ngayong araw hanggang ay pinapayagan lamang ang 30% Venue Capacity sa loob ng sementeryo

--Ads--

Hinikayat ng City Government ang mga mamamayan na maari nilang maagang dalawin ang mga namayapa nilang mahal sa buhay bago ipatupad ang Executive Order number 80 o pansamantalang pagpapasara sa mga pribado at pampublikong sementeryo sa Cauayan City.