--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi naiwasang maging emosyonal ng isang former rebel habang binabalikan ang mapait na karanasan bilang dating kasapi ng New Peoples Army o NPA.

Emosyonal na ibinahagi ni Ka Kira ang kaniyang mga naranasan sa loob ng kilusan bilang dating miyembro ng grupo.

Inilahad ni Ka Kira na hindi lamang siya kundi marami ring iba pang kababaihang kasapi ng NPA ang nakaranas ng Sexual Harasment sa kamay ng mismong komander nito.

Pahayag ni Ka Kira na anim na taon siyang naging aktibista sa ilalim ng grupong migrante kung saan ipinamulat sa kaniya na ang mga NPA ay disiplinado at may malaking paggalang para sa mga kababaihan.

--Ads--

Dahil sa niya a mga kasinungalingan ay tiningala niya ang mga miyembro ng NPA at halos ituring na santo.

Subalit ng maging kasapi ng NPA at maranasan ang hindi makataong pagtrato sa mga miyembro na may mababang posisyon ay namulat siya at nagbago ang kaniyang pananaw.

Nang maisipan at magdesisyong bumaba at magbalik loob sa pamahalaan ay muli siyang kinausap ng grupong migrante hindi para tanungin ang kaniyang mga naranasan kundi para punahin siya sa pagbabalik loob niya sa pamahalaan.

Iginiit ni Ka Kira na 4th year college siya sa Polytechnic University of the Philippines o PUP nang malinlang siya ng naturang grupo at umanib sa NPA dahil sa pagnanais na makatulong sa mamamayang pilipino sa pamamagitan ng pag-aalay niya sa kaniyang sarili para sa pagbabagong panlipunan.