--Ads--

CAUAYAN CITY – Umaabot na sa 2,738 farmers ang nakapaghain na ng kanilang Imdemnity Claims sa Phil Crop Insurance Corporation o PCIC  Region 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Louterio Sanchez Jr. Officer-in-Charge ng Marketing and Sales Division ng PCIC Region 2 na matapos ang typhoon Maring ay nakipag-ugnayan sila sa mga magsasaka at mangingisdang nagpaseguro.

Nakipag-ugnayan din ang PCIC region 2  sa mga Municipal at City Agriculturist para lahat ng mga magsasakang nakapagpaseguro ay makapaghain ng kanilang indemnity claims sa PCIC.

Karamihan anya nilang natanggap na naghain ng kanilang indemnity claims ay sa Cagayan.

--Ads--

Maaring sa mga susunod na araw ay madadagdagan ang mga naghain ng kanilang indemnity claims dahil kasalukuyang naghahain pa ng claims ang mga naapektuhang magsasaka.

Maging ang mga magsasakang residente ng lalawigan ng Apayao na nagpaseguro ay naghahain na rin ng kanilang indemnity claims.

Sa mga nagnanais na magpaseguro ng kanilang mga pananim ay magtungo lamang sa tanggapan Municipal/City Agriculturist o sa mismong tanggapan ng PCIC.

Kapag naghain naman ng Indemnity Claims ay sa tanggapan  Municipal/City Agriculturist

Maari ding makapaghain ng Indemnity Claims kapag mahigit 10% ng kanilang pananim ang nasira ng kalamidad.

Ang bahagi ng pahayag ni Ginoong Louterio Sanchez Jr.