--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa isang daan apatnapung libong bag hybrid seed ang nakaposition na sa mga iba’t ibang bayan sa Isabela at Cagayan na ibabahagi sa mga magsasaka.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Marvin Luis, Regional Rice Program Focal Person ng DA region 2 na planting season na sa buwan ng Nobyembre at Disyembre  kayat kailangang maipamigay na ang hybrid seeds.

Inihayag ni Dr. Luis na puntiryang maipamahagi lahat ng mga hybrid seeds hanggang ikalabing lima ng Nobyembre.

Ang hybrid seeds ay ipapamahagi lamang sa mga magsasaka sa Isabela at Cagayan dahil ang inbred seeds ang ibabahagi sa mga magsasaka sa Quirino at Nueva Vizcaya mula sa Phil. Rice Research Institute sa ilalim ng Rice Competitive Enhancement Program.

--Ads--

Puntirya anya ng DA region 2 na maibahagi sa mga magsasaka sa Isabela at Cagayan ang nasa 215,000 hybrid seed at halos 70% na dito ang naka-position na sa dalawang nabanggit na lalawigan.

Sinabi pa ni Dr. Luis na ang mga nakaposition nang 70% hybrid seeds ay ipapamahagi na matapos ang kanilang inspection para maitanim ng mga magsasakang sasailalim sa  early cropping.

Ang mga magsasakang mabibigyan ng binhi ay nasa listahan ng Registry System for Basic Sector on Agriculture o RSBSA.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Marvin Luis.