--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsasagawa na ng pagsisiyasat at pagkuha ng mga impormasyon ang Regional Anti Cybercrime Unit 2 kaugnay sa paggamit ng mga kabataan sa  online sexual activities.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMajor Mark Turingan, Chief  Operation Section ng Regional Anti  Cybercrime Unit 2 na sa ngayon ay wala silang naitatatalang online child exploitation sa rehiyon dos ngayong taon.

Ngunit sinabi niya na nagtala sila ng isang online sexual exploitation ngunit ang biktima ay nasa tamang edad.

Habang ang pinaghihinalaan naman ay kasintahan ng babaeng biktima kung saan nagkaroon ang magkasintahan ng mga private and sensitive videos at nagbabanta ang lalaki na ipakalat sa social media.

--Ads--

Ito anya ay paglabag sa Republic Act 9995 o Photo and Video  Voyeurism Act.

Samantala, inihayag naman ni Major Turingan na mayroon din  silang natatanggap na impormasyon kaugnay sa paggamit ng mga kabataan sa online sexual activities sa pamamagitan ng isang  cyber sex den.

Ang ganito anyang aktibidad ay mahirap matukoy dahil sa ito ay masyadong pribado o maaring maganap sa isang silid na mayroong internet connection.

Dahil dito nanawagan siya sa mga nakakaalam sa pagkakaroon ng cyber sex den sa loob ng isang tahanan na iulat sa kanilang tanggapan upang makakuha ng search warrant para mapasok ang nabanggit na bahay.

Bukod dito anya ay nakapagsampa rin sila ng isang paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and Thier Children in relation to cybercrime law.