--Ads--

CAUAYAN CITY – Abala ang Technical Education Skills Development Authority o TESDA Isabela sa pagsusulong ng ibat-ibang scholarship program sa apatnapu’t dalawang barangay sa Isabela na nasa ilalim ng programa ng NTF-ELCAC .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay TESDA Isabela Provincial Director Vilma Cabrera, sinabi niya na pawang mga short term programs ang kanilang isinusulong sa apatnapu’t dalawang ELCAC barangay sa lalawigan kung saan Labimpitong barangay ang mula sa  San Mariano, isa sa Lunsod ng Ilagan; Lima sa Benito Soliven, Anim sa Echague, apat sa San guillermo;  Isa sa San Agustin at walo sa bayan ng Jones.

Batay sa kanilang pagtaya aabot na sa animnaput limang bahagdan naturang mga ELCAC Barangay ang napagkalooban na ng Special Training for Employment Program o STEP at maliban sa training ay namamahagi rin sila ng tool kits.

Mula 2020 ay nasa pitumpung bahagdan na ng tool kits ang kanilang naipamahagi sa ibat ibang scholars na mula sa anim na congressional district ng lalawigan.

--Ads--

Pinakahuli ay sa Lunsod ng Ilagan kung saan namahagi sila ng tool kits kasabay ng ground breaking ceremony sa itatayong TESDA provincial office.

Maliban sa scholarship program at pamamahagi ng tools kits ay abala rin ang TESDA Isabela sa pagsasagawa ng Caravan sa ilalaim ng Barangayanihan program ng PNP.