--Ads--

CAUAYAN CITY – Umaabot na 15,923 pamilya na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o  4Ps beneficiaries sa buong rehiyon dos ang inihahanda na para makapag-exit sa nasabing programa.

Una rito ay nagkaroon ng graduation at pag-wave ng mga  Pantawid Pamilyang Pilipino Program o  4Ps beneficiaries sa iba’t ibang lugar sa rehiyon dos

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ng tagapagsalita ng 4Ps ng DSWD region 2 na si Janet Luzano na mayroong dalawang klase ng pag-alis bilang benepisaryo ng 4Ps  tulad ng automatic exit at voluntary wave.

Ang automatic exit ay nagtapos na sekondarya o labing siyam na taong gulang ang anak ng mga benepisyaryo kaya kailangang alisin na sa programa habang ang iba ay nagboluntaryong nag-wave ng kanilang kaparatan bilang mga  benepisyaryo ng 4Ps.

--Ads--

Kinakailangan anya nilang isagawa ang graduation ng mga 4Ps beneficiaries upang maipakita o marinig ang bawat kuwentong tagumpay ng mga benepisyaryo pangunahin na ang tagumpay ng  kanilang mga anak sa tulong ng nasabing programa.

Nais anya nilang matularan ang tagumpay ng iba pang mga benepisyaryo kayat isinasagawa nila sa buong rehiyon ang “PAMMADDAYAW NA PAG-GRADWEYT NG PANTAWID PAMILYA”.

Isinagawa anya nila ito sa Lunsod ng Tuguegarao noong ikadalawampu ng Oktobre habang noong Lunes  ay isinagawa sa Enrile, Cagayan at Inaasahang magsasagawa din sila sa iba’t ibang lugar sa rehiyon.

Ang nakikitang dahilan kung bakit nag-wave ang mga benepisaryo  ay gumaganda na ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa kanilang buhay at pagdalo sa mga skilled trainings.

Sa ngayon ay umaabot na sa 106,212 ang kabuuang bilang ng 4Ps beneficiaries sa buong rehiyon dos at 20% dito ang inihahanda para sa transition period na makapag-exit sa nasabing programa.

Kailangan ding maging handa sila sa tulong ng ilang ahensiya ng pamahalaang at lokal na pamahalaan upang makayang tuluyang maitaguyod ang kanilang pamumuhay.

Mapapalitan naman sila ng mga magiging bagong benepisaryo ng programa.