--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang malawakang information dissemination ng DSWD Region 2 kaugnay sa bakuna kontra COVID-19 sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa ikalawangrehiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ng tagapagsalita ng 4Ps ng DSWD Region 2 na si Janet Lozano na kailangang makapagbigay ng tamang impormasyon sa mga benepisaryo dahil walang katotohanan na hindi sila makakakuha ng benepisyo kapag hindi sila nagpabakuna.

Ang DSWD Region 2 ay nagsasagawa ng Family Development Session upang maipaliwanag sa mga benepisaryo kung ano ang mga ginagamit na bakuna, ano ang maaaring maging epekto nito sa kanila at ano ang mga kabutihang dulot nito  para magkaroon sila ng sariling desisyon.

Umaabot pa lamang sa  dalawang libo ang fully vaccinated na mga benepisyaryo ng 4Ps sa rehiyon dos at inaasahang mababakunahan ang iba pa sa pagdating ng mga karagdagang bakuna.

--Ads--