--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi pa natatagpuan ang isang 17 anyos na binatilyo sa San Mateo, Isabela na dinukot noong gabi ng October 16, 2021.

Sapilitan umanong isinakay ang biktimang si John Eddie Ubaldo sa isang tricycle at sinabing dadalhin sa himpilan ng pulisya ngunit hindi sila nakarating dahil nawalan umano ng gasolina ang sasakyan.

May mga nagsabing isinakay ang binatilyo sa isang puting van.

Hindi tumitigil ang mga magulang ni Ubaldo sa paghahanap sa kanya.

--Ads--

Patuloy na umaasa ang mga magulang ng binatilyo na makakauwi siya nang buhay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Gng. Josie Ubaldo na muli siyang  nakikiusap kung sinuman ang nakakita sa kanyang anak na  sabihin na bumalik na sa kanila.

Kung sinuman aniya ang kumuha sa kanya ay ibalik na sa kanyang pamilya.

Labis nang nag-aalala ang ginang dahil mahigit kalahating buwan na mula nang mawala ang anak.