--Ads--

CAUAYAN CITY – Magandang balita sa mga  hog raiser na naghihintay ng indemnification claims para sa mga alagang baboy na isinailalim sa culling noong kasagsagan ng pananalasa ng African Swine Fever (ASF) dahil   nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalabas ng pondo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng Department of Agriculture (DA) region 2 na ito ang ipinabatid sa kanila ni Kalihim William Dar ng DA sa kanyang pagdalaw sa Cagayan.

Hintayin na lamang aniya ang pagdating ng Special Allotment Release Order  (SARO) mula sa Department of Budget and Management (DBM) para mailabas sa bangko ang pondo na ipapamahagi sa mga hog raiser na matagal nang naghihintay.

Binigyang-diin ni Ginoong Edillo na ginawa nila ang kanilang obligasyon na magsumite ng mga dokumento para mapondohan ngunit kailangang hintayin ang pagpapalabas ng pondo para dito.

--Ads--

Karamihan sa mga hindi pa nakatanggap ng bayad ay mula sa Isabela kaya inaasahang maipapamahagi na ang indemnification claims kapag naipalabas na ang pondo sa mga susunod na araw.

Ang pahayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo