--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinabulaan ng militar ang pahayag ng Cagayan Valley Regional Operational Command Fortunato Camus Command ng New People’s Army na gawa-gawa lamang ang mga napaulat na sagupaan ng tropa ng pamahalaan at rebeldeng pangkat sa San Mariano at Tumauini Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Cpt. Joter Lobo ang Civil Military Officer ng 502nd Infantry Brigade Philippine army, iginiit niya na lehitimo ang mga isinagawang operasyon ng mga unit ng 5th Infantry Division Philippine Army na nag resulta upang makubkob ang kuta ng RSDG-KRCV sa bahagi ng Dy Abra Tumauni at pagkasawi naman ng Squadleader na si AKA Davao at isa pang miyembro na si AKA Dessel.

Hamon ni Capt. Lobo sa makakaliwang grupo na magtungo sa  barangay kung saan naganap ang engkwentro upang mapatunayan na totoo ang kanilang inilabas na impormasyon.

Maliban pa sa mga ebidensiya narekober ng kanilang hanay sa sinasabing kuta ng NPA sa bahagi ng barangay Dy. Abra tulad ng matatas na kalibre ng baril, mga pampasabog at anti personnel mines maliban pa sa mga subersibong dokumento na nagpapatunay ng presensiya ng makakaliwang grupo sa lugar.

--Ads--

Aniya ang pagpapalabas ng naturang pahayag ng NPA ay iresponsableng at brutal na hakbang upang itanggi ang pagkakakilanlan ng mga nasawing miyembro nito.

Ayon pa sa kaniya si AKA Davao at anak nitong si AKA Dessel  ay hindi mga magsasaka kundi mga  kilalang miyembro ng RSDG kaya hindi ito maaaring maitangi ng grupo, isa sa mga patunay rito ay ang mataas na kalibre ng  baril na nasamsam mula sa pag iingat ng dalawa gayun rin ang pahayag ng former rebel na kumilala sa labi ng dalawang nasawing rebelde.