--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagproseso ng Philhealth sa mga claims ng mga private at government hospitals.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Danilo Reynes, ang Regional Vice President ng Philhealth region 2 sinabi niya na mayroon silang 60 na araw na palugit para sa kanilang isinasagawang pagproseso sa claims.

Ayon kay Dr. Reynes, nasa 16% pa ang hospital claims na kasalukuyang pinoproseso ng Philhealth.

Ang Philhealth region 2 aniya ay mabilis ang turn-around time na nasa 38 days lamang ngunit ang problema nila ngayon ay hindi na lamang regular claims mula sa mga accredited hospitals ang kanilang pinoproseso dahil may mga testing laboratories na mayroon na ring testing claims maging ang community isolation claims.

--Ads--

Dahil dito ay dumami ang dumarating na claims sa kanilang tanggapan na kailangan nilang iproseso.

Ayon kay Dr. Reynes, dumarami ang claims ngunit hindi naman nadagdagan ang kanilang manpower.

Nakipagpulong na rin ang Philhealth region 2 sa lokal na pamahalaan at mga pribadong ospital sa rehiyon upang mapag-usapan ang kanilang mga hiling tulad ng pagbili ng mga gamot sa covid 19.

May koordinasyon na rin sila sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) para sa pagpapabilis ng kanilang claims processing.

Nasa 80.92% na ang nabayarang claims sa mga pribadong ospital mula noong nakaraang taon at nasa 4% ang mga denied claims na maaari pa ring makuha sa pamamagitan ng pag-apela sa Philhealth para sa motion for reconsideration.

Mayroon ding 5% na naibalik sa mga ospital dahil may mga deficiency na kailangang tugunan at muling isusumite sa Philhealth para maproseso.

Palagi ang overtime ngayon ng mga staff ng Philhealth region 2 sa Benefit Administration Section para matapos na ang pagproseso sa mga hospital claims.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Danilo Reynes.