CAUAYAN CITY – Planong ipatupad ng mga opisyal ng TODA ang No vaccine No Pila sa mga tsuper ng tricycle sa lunsod.
Patuloy ang vaccination rollout ng lokal na pamahalaan upang tuluyan nang mabakunahan ang mga kabilang sa priority groups at maabot ang herd immunity.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Freddie Agsunod, isa sa mga board of directors ng TODA sa terminal ng isang malaking mall sa lunsod sinabi niya na alinsunod sa direktiba ng kanilang presidente ay inaasahan na sa buwan ng Enero ay ipapatupad na ang No vaccine No Pila sa kanilang mga myembro.
Nasa dalawandaang myembro na ng TODA ang bakunado sa 1st Dose kontra Covid 19 at sa mga susunod na linggo ay tatangap na sila ng 2nd dose
Ayon kay Ginoong Agsunod ang Novaccine No Pila Policy ay hakbang umano para maprotektahan ang mga tsuper at pasahero kontra Covid 19.
Aniya nagkaroon naman sila ng koordinasyon sa mga myembro kung saan sinang ayunan nila ang nasabing direktiba.











