CAUAYAN CITY – Pabor ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines o ALU-TUCP sa mandatory vaccination na nais ipatupad ng pamahalaan ngunit kailangang may excemption.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, sinabi niya na dapat may excemption ang mandatory vaccination tulad sa mga taong may sakit, may religious at cultural beliefs at may paniniwala na hindi sila maaaring magpabakuna dahil dito.
Ayon kay Spokesperson Tanjusay kailangan itong respetuhin ng batas na ipapatupad.
Samantala sa kasalukuyan ay wala nang pinabagong reklamong natanggap ang TUCP tungkol sa mga kompanyang nagsasagawa ng No Vax No Pay Policy at kasalukuyan pa ring isinasagawa ang inspeksyon ng DOLE sa unang reklamo sa isang kompanyang nagpatupad ng nasabing polisiya.
Ayon kay Spokesperson Tanjusay, sakaling mapatunayan na na totoong nagpatupad io ng No Vax No Pay Policy ay bibigyan sila ng sampung araw upang itama ang kanilang polisiya at kapag hindi nila nagawa ay agad na ipapasara ng DOLE ang kompanya.











