--Ads--

CAUAYAN CITY– Namatay ang isang barangay kapitan matapos banggain ng isang SUV ang sinasakyang motorsiklo sa intersection ng bypass road sa Santa Cruz, Alicia, Isabela.

Ang mga nasangkot sa askidente ay isang motorsiklo na minamaneho ni Barangay Kapitan, Guilbert Guillermo, nasa tamang edad, may-asawa, residente ng Aniog, Angadanan, Isabela at isang Fortuner na may plakang NCW 1611 na minamaneho ni Johnly Niño, 29 anyos, residente ng Bayabo East, Tumauini, Isabela.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Alicia Police Station na binabagtas ng SUV ang bypass road patungong Santiago City at nang nasa intersection ay biglang nitong kinabig ang manibela patungong intersection nang walang abiso sanhi para mabangga ang motorsiklo minamaneho ng barangay kapitan.

Dahil dito nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang barangay kapitan na kaagad dinala sa isang ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.

--Ads--