CAUAYAN CITY – Puntirya ng Kagawaran ng Kalusugan o DOH Region 2 na mabakunahan ang 70% ng target population pagsapit ng buwan ng Disyembre ngayong taon upang maabot ang herd immunity
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Rio Magantay, Regional Director ng DOH Region 2 na sa kasalukuyan ay 43% na ang nabakunahan sa rehiyon at umaasa naman ang Regional Director na makakamit nila ang puntiryang 70%.
Sinabi pa ni Dr. Magpantay na bumuo na rin ang kagawaran katuwang ang iba pang ahensiya ng pamahalaan ng mga karagdagang vaccination team at maging ang mga ospital ay bumubo na rin ng kanilang vaccination team na tumutulong para sa vaccination rollout ng mga pamahalaang lokal.
Nagpapatupad na rin ng walk-in vaccination ang kagawaran at maaring magpatala sa kanilang tanggapan.
Sinimulan na rin ang Pediatric vaccination sa mga may edad labing dalawa hanggang labing pitu.
Inihayag pa ni Dr. Magpantay na dinideretso na rin ang mga bakuna sa mga malalayong LGU’s ngunit kinakailangan nilang ma-assess kung mayroong kakayanang mag-imbak ng mga bakuna kontra COVID-19.











