--Ads--

CAUAYAN CITY – Unti-unti nang bumababa ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa ikalawang rehiyon  batay sa talaan ng Kagawaran ng Kalusugan o DOH region 2

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni  Dr. Rio Magpantay, Regional Director ng DOH Region 2 na nasa moderate risk na  ang rehiyon ngunit umaasa siyang dire-diretso na ang pagbaba ng kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Dr. Magpantay na gumaganda na ang health utilization rate sa lahat ng mga lalawigan at Lunsod sa Rehiyon dos maliban lamang sa Lunsod ng Santiago.

Batay sa nakikita nilang trend ay bumababa na ang naitatalang kaso ng COVID-19 at kapag magtuluy-tuloy ito sa loob ng ilang linggo  ay maaaring maging low risk sa mga susunod na araw ang region 2.

--Ads--

Ayon kay Regional Director Magpantay, kinakailangan pa ring sumunod ang publiko sa mga ipinapatupad na health protocols ng interagency task force kahit bumaba pa ang alert level upang masugpo ang transmission ng virus.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Rio Magpantay.