
CAUAYAN CITY – Umabot sa 31 na baril na isinuko ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na nagbalik-loob na sa pamahalaan at mga nakumpiska ng militar mula sa mga rebelde ang sinira at sinunog sa 5th Infantry Division Philippine Army sa Gamu, Isabela
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Army Major Jekyll Dulawan, hepe ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th ID na sa 31 na sinira ay 21 ang M16 Armalite rifle at M653, 8 ang homemade shotgun, isang M79 at isang M203 grenade launcher.
Nilagare ang mga ito bago sinunog para hindi na muling magamit.

Patunay ito na walang katotohanan ang paratang na nirerecycle ang mga nakukumpiskang baril.
Ayon kay Major Dulawan, ipinasakamay nila sa Philippine National Police (PNP) ang 47 na baril na maaaring magamit na ebidensiya sa mga kasong isinampa laban sa mga rebelde.




