--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinasagawa ngayong araw ng Isabela Provincial Health Office (IPHO) ang Resbakuna on Wheels dito sa lunsod ng Cauayan.

Nagsimula ito sa isang malaking mall sa Lunsod ng Cauayan para sa mga may edad 18 pataas at walang  ubo at sipon.

Magsisimula ang pagbabakuna mamayang alas otso ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon para sa 1st dose ng Gamaleya Sputnik V Vaccine.

Una nang nanawagan si Mayor Bernard Dy sa mga residente lalo na sa mga kabataang may edad 18 pataas na hindi pa nagpapabakuna laban sa COVID-19.

--Ads--

Hindi na tulad nang dati na matumal ang suplay ng bakuna sa lunsod kayat inaasahan ng pamahalaang lunsod na ngayong buwan ng Nobyembre ay makakamit na ng Lunsod ng Cauayan ang herd immunity.