--Ads--

CAUAYAN CITY – Kusang loob na isinuko sa militar ng dalawang miyembro ng komunistang grupo ang matataas na kalibre ng baril at bala sa Sitio Dilawlaw, Barangay Antagan 1st, Tumauini, Isabela.

Ang mga nagbalik loob ay sina Alyas Kulele at Alyas Alex na kapwa miyembro ng Central Front Committee.

Kabilang sa kanilang mga isinuko ang dalawang M16 Riffle, labing limang magazine ng M16 rifle, na may dalawandaan at animnapu’t apat na bala.

Ayon kina alayas Kulele at Alyas alex napagdesisyunan nilang magbalik loob sa pamahalaan matapos ang naganap na sagupaan sa pagitan ng militar at RSDG Kr-CV sa barangay Dy abra Tumauini Isabela noong ika tatlumpu’t isa ng Oktubre.

--Ads--

Bukas palad namang tinaggap ng pamunuan ng 5th Infantry Division Philippine Army ang dalawang bagong former rebel.

Patuloy parin ang panawagan ng militar sa pagsuko at pagbabalik loob ng mga nalalabi pang miyembro ng makakaliwang grupo.