--Ads--

CAUAYAN CITY – Maaaring masira ang political system ng bansa dahil sa pang-aabuso ng ilang political elites sa substitution by Withdrawal na nakapaloob sa Omnibus Election Code.

Ito ang inihayag ni Prof. Atty. Michael Henry Yusingco isang Political Analyst at Constitutionalist ng the Ateneo Policy Center and fellow at the Institute for Autonomy and Governance sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan.

Sinabi niya na batay sa mga pangyayari nitong mga nagdaang araw ay nakikita na niya ang pagkakaroon ng karambola sa Election 2022.

Ilan lamang sa maaring maging dahilan nito ay ang maraming Presidential at Vice Presidential Candidates na may kanya-kanyang estratehiya at inaasahang hindi pa natatapos ang mga matutunghayang drama dahil hanggang ngayong araw pa ang paghahain ng substitution ng mga kandidato.

--Ads--

Kapansin pansin rin ngayon na nadodomina ng mga kilala at malalaking pangalan mula sa political dynasty ang Presidential Aspirants.

Sinabi niya na nakakadismaya at nakakaasiwa dahil bumalik ang Pilipinas kung saan ang pulitika at eleksyon na tila pinaglalaruan ng mga political elites na pinaiikot ang mga botante sa pamamagtan ng drama, pangako at walang isang salita na malinaw na hindi maganda para sa demokrasyang bansa.

Bilang isang botante ay tinamaan umano si Atty. Yusingco sa mga kaganapan sa  bansa nitong nagdaang araw kung saan ilang kandidato ang umatras habang ang ilang ay naghain ng susbtitution na sadyang nakakaasiwa dahil harap-harapang pinapaikot ang  mga botante na nagpapakita ng kawalan ng respeto.

Ang bahagi ng pahayag ni Atty. Michael Henry Yusingco

Mahinang estratehiya naman para kay Atty. Yusingco ang withdrawal at susbtitution dahil ang ganitong estratehiya ay bumenta na noong nakaraang halalan.

Wala ring makitang bentahe si Atty. Yusingco sa mga kandidatong umahilig  sa circus at drama dahil wala pang  mga plataporma o programa.

Payo niya sa mga botante na maaga pa lamang ay simulan ng manaliksik sa mga kandidatong may mga programa at polisiyang iniaalok ng mga botante na makakatulong para makamit ng Pilipinas ang better normal.

Maliban dito ay kailangang makita ng mga botante ang kapasidad ng mga kandidato para ipatupad ang kanilang programa at hindi lamang madadala sa kasikatan at kilalang mga kandidato.

Mas kinakailangan anyang bigyan ng pansin ngayon ng mga botante ng mga kandidatong handa sa tinakbuhang posisyon at mayroong plano ang mas karapat dapat na bigyan ng pansin.

Hindi rin dapat magpaapekto ang mga botante sa kabi kabilang mga survey dahil nagpapakita lamang ito ng halaga sa mga kandidato at hindi para sa mga botante dahil sa kawalan ng karakter ng isang kandidatong isinasalang sa survey.

Ang karagdagang pahayag ni Atty. Michael Henry Yusingco .