--Ads--

CAUAYAN CITY – Malaki ang epekto sa mga lokal na kandidato ang ilang pagbabago sa mga tatakbo sa pambansang posisyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, political analyst at Research Fellow sa Ateneo School of Government, sinabi niya na ang nature ng pulitika sa bansa ay ang political patronage dahil sa kawalan ng genuine democratic political parties.

Inilarawan niya na ampaw ang mga political party sa bansa dahil shell ang mga ito ng mga political dynasty.

Ang mga pagkilos sa pambansang antas ay malaki ang epekto sa magiging desisyon ng mga lokal na kandidato.

--Ads--

Gayunman, dahil wala pang pinal na line up sa national level ay wala pang alliance building sa lokal na antas.

Ayon kay Atty. Yusingco, walang political sense sakaling magtunggali sa pagka-bise presidente sina Pangulong Rodrigo Duterte Duterte at anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sakaling mangyari ito ay tatablahin ng pangulo ang sentimiyento ng taumbayan dahil lumabas sa survey na nakararami ang tutol sa pagtakbo niya sa pagka-bise presidente.

Ikalawa ay tatablahin din ang sariling anak at hahatiin niya ang boto ng mga tagasuporta ng anak at kanyang mga tagasuporta kaya  manganganib ang pagkakataon ng anak na manalo sa halalan.

Binigyang-diin n Atty. Yusingco na dapat solido ang puwersa ng administrasyon para malaki ang pagkakataon nilang manalo sa 2022 elections.

Sila mismo ang bumibiyak sa kanilang sa kanilang puwersa sa halip na magkaisa at suportahan ang kanilang mga kaalyado sa pulitika.

Tinawag itong ni Atty. Yusingo na electoral  cannibalism dahil sinisira ng mga magkaka-alyado ang isa’t isa.

Ang pahayag ni Atty. Michael Henry Yusingco.

Sa gitna ng mga kaganapang ito sa larangan ng pulitika sa bansa kaugnay ng halalan sa susunod na taon, hiniling ni Atty. Yusingco sa mga botante na maging matalino at mapanuri para mailuklok sa puwesto ang mga karapat-dapat na kandidato .

Ang pahayag ni Atty. Michael Henry Yusingco.