--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagwithdraw ng kanyang kandidatura sa pagkaBise Mayor si Danilo Visaya ng political party na Progressive Movement For The Devolution Of Initiatives o PROMDI kahapon na deadline ng paghahain ng substitution at withdrawal ng COC sa Comelec.

Dahil dito ay wala pang kalaban sa pagkabise mayor si Vice Mayor Leoncio Bong Dalin Jr. ng political party na Partido Para sa Demokratikong Reporma.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Jerby Cortez, ang Election Officer ng Comelec Cauayan City, sinabi niya na walang inilagay na substitute si Visaya kahit mayroon siyang kinabibilangang partido.

Iniurong din ni Ferdinand Cabauatan ang kanyang kandidatura sa pagka-konsehal at pinalitan siya ni Barangay Kapitan Miko Delmendo ng Partido Para sa Demokratikong Reporma.

--Ads--

Ayon kay Atty. Cortez makikita na ang listahan ng mga kandidato para sa halalan sa susunod na taon sa official website ng Comelec.

Sa kasalukuyan ay wala pang natatanggap na reklamo ang tanggapan tungkol sa mga problema sa mga pangalan ng kandidato na nakalagay sa kanilang website.

Aniya dahil tapos na ang paghahain ng substitution at withdrawal ng COC ay isasapinal na ang listahan ng mga botante para handa sa kanilang paglilimbag sa ikalabing lima ng disyembre para sa Official Ballot templates.

Kapag natapos ito ay magsisimula na sila sa pagsasanay sa electoral board kaya masalimuot ang trabaho ng comelec ngayong buwan.

Ang bahagi ng pahayag ni Atty. Jerby Cortez.