--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang magsasaka matapos na masamsaman ng baril, bala at granada sa barangay Nappaccu Grande.

Ang pinaghihinalaan ay si Romeo Mangabat ,limampu’t tatlong taong gulang, may asawa, magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Batay sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Hukom Andrew Barcena, presiding judge ng RTC branch 17, Lunsod ng Ilagan sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Firearms and Ammunition Regulation Act ay hinalughog ng mga kasapi ng Reina Mercedes Police station ang tirahan ni Mangabat at nasamsam ang isang unit ng Caliber 22 na may apat na bala, isang granada, tatlong nirolyong dahon ng marijuana at tatlong bala ng Caliber 38 na baril.

Ayon sa Reina Mercedes Police Station, nag-ugat ang naturang operasyon matapos na magkaroon ng nakabinbin na kasong statutory rape si Mangabat at lumalabas na ginagamit ng pinaghihinalaan ang naturang baril para takutin ang kanyang biktima.

--Ads--

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang pinaghihinalaan habang inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 10591 with incidental violation for Republic Act 9516 at section 11 ng Republic act 9165 o comprehensive dengerous drugs act of 2002.