--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na nangunguna ang ikalawang rehiyon sa talaan ang maagang pagpapakasal  ayon sa Population Commission o POPCOM Region 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Herita Macarrubo ng POPCOM Region 2 sinabi niya na malaking dahilan ng maagang pagpapakasal ang kahirapang dulot ng pandemya.

Bagamat pangunahing rason sa maagang magpapakasal ang Teenage pregnancy, ang pagpapakasal umano ng maaga ang dahilan ng kahirapan dahil napipilitang tumigil sa pagaaral ang mga kabataang maagang nabuntis at hirap din silang makapaghanap ng magandang trabaho.

Karaniwan din sa resulta ng maagang pag-aasawa ang maaring malnourish growth ng mga anak dahil sa kawalan ng sapat na pagkain at maaring maging biktima ng karahasan ang mga kabataang babae dahil sa kakulangan sa kahandaang maging magulang at nagreresulta ng pagkakaroon ng malaking pamilya.

--Ads--

Ayon sa POPCOM, nararapat na mabigyan ng pagkakataon na makapag-aral ang mga ito upang mabigyan ng magandang kinabukasan at pinayuhan din niya ang mga kabataan na wag magmadaling maging magulang dahil ito ay mabigat na responsibilidad.

Aniya may epekto rin ito sa ekonomiya ng bansa kaya  hinimok niya ang mga kabataan na maging malawak ang pag-iisip at magkaroon ng mas matibay ng pundasyon ng pangarap, makapagipon at makabili ng mga bagay na kanilang ninanais.

Ang bahagi ng pahayag ni Regional Director Herita Macarrubo.