--Ads--

CAUAYAN CITY – Naghahanda na ang CHED Region 2 para sa expansion ng face to face classes matapos na maibaba sa Alert Level 2 ang status ng rehiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director  Julieta Paras ng CHED Region 2 sinabi niya na kasalukuyan na ang kanilang koordinasyon sa mga LGUs na kinaroroonan ng mga State Colleges sa Rehiyon.

Aniya nagsagawa na sila  ng koordinasyon  sa mga LGUs upang magkaroon ng school based vaccination sa mga estudyante sa muling pagbubukas ng face to face classes sa Enero ng susunod na taon.

Magsisimula na ang aplikasyon para sa mga Unibersidad na nais nang magbukas para sa Limited Face to Face classes sa susunod na buwan.

--Ads--

Maliban sa pakikipag ugnayan sa LGUs ay binibisita rin ng CHED ang mga Unibersidad na gustong maging vaccination site ang kanilang eskwelahan dahil para rin naman ito sa kanilang mga estudyante.

Kapag marami na ang nakapag apply na sa mga HEIs ay magsasagawa na ng inspeksyon sa kahandaan ng mga ito na magsimula ng Limited Face to Face Classes.

Ayon kay Regional Director Paras kailangang I-retrofit o ayusin ng mga HEIs ang kanilang mga pasilidad.

Maraming unibersidad na ang nakapagsabi na handa silang magbukas ngunit ang problema lamang ay kakaunti pa lamang ang nakunahan sa kanilang mga estudyante.

Dahil dito ay puspusan ang isinasagawang information dissemination ng CHED at DOH upang hikayatin ang mga estudyante na magpabakuna na kontra Covid 19 upang makapagsimula nang mag apply ang mga unibersidad para sa pagbubukas ng Limited Face to Face Classes.

Ang bahagi ng pahayag ni Regional Director Dr. Julieta Paras ng CHED Region 2