--Ads--

CAUAYAN CITY – Sumuko sa Philippine National Police (PNP)  ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Isabela at Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Police Regional Office (PRO) 2, ang sumuko sa  Allacapan Police Station, 203rd Mobile Force Platoon, 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company at 203rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 2 ay si alyas Cris, 37 anyos at  butcher at tubong Tubel, Allacapan, Cagayan.

Siya ay ni-recruit ng isang  Silvinia Bumanglag at pinangakuang malilibre ang kanilang binabayarang patubig mula sa National Irrigation Administration (NIA) kung siya ay sasapi sa kilusan.

Pormal siyang naging miyembro ng kilusan noong 2013 at lumahok sa isinagawang kilos protesta sa harapan ng NIA sa Abulug, Cagayan.

--Ads--

Ang dalawa pang sumuko ay sina alyas Gibo, 46 anyos  at alyas Rina na  34 anyos, kapwa residente ng Manano, Mallig, Isabela at nagpasyang magbalik-loob sa pamahalaan sa tulong ng Project SAGIP ng  Mallig Police Station at Isabela Police Provincial Office (IPPO).

Inihayag ng dalawa na sila ay hinikayat ni Cita Managuelod Danggayan Dagiti Mannalon ti Isabela (DAGAMI), Peasant Consultant ng Regional White Area Committee 2, Kilusan sa Lungsod at Sentrong Bayan. Pinangakuan umano sila na tutulungan na ayusin ang kanilang problema sa lupa ngunit hindi ito natupad.