--Ads--

CAUAYAN CITY – Naghahanda na rin ang Cagayan Valley Medical Center para sa isasagawang tatlong araw na National Vaccination Day na gaganapin sa buong bansa mula ikadalawamput siyam ngayong Nobyembre hanggang unang araw ng Disyembre.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center Chief ng Cagayan Valley Medical Center na lahat ng DOH hospital sa buong Pilipinas ay inatasang makibahagi sa tatlong araw na National Vaccination Day.

Ayon kay Dr. Baggao ang mga hospital base ang mag-aasikaso sa mga magpapabakuna na mayroong commobidities.

Kinakailangan anya nilang mag-set-up ng isang pagamutan para sa mga mayroong commobidity sakaling magkaroon ng anumang adverse effect matapos tumanggap ng COVID-19 vaccines.

--Ads--

Puntirya anyang mabakunahan ng pamahalaan ang labing limang milyong indibidwal upang makamit ang herd immunity.

Kinakailangan anyang mayroong nakahandang personnel na mag-aasikaso sa sinumang makakaranas ng adverse effect.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao.