--Ads--

CAUAYAN CITY – Inihayag ng isang Bus Company ang muling pagbabalik operasiyon nito sa probinsiya.

Ayon sa GV Florida, inaprubahan na ng Land Transportation and Regulatory board o LTFRB ang pagbubukas ng Inter Regional Routes sa ilang bahagi ng lambak ng Cagayan.

Sa nakuhang impormasiyon ng Bombo Radyo Cauayan inilathala ng naturang bus company sa social media ang muling pagbabalik operasiyon ng kanilang bus terminal.

Ayon sa bus company ang inisyal na pagbubukas ng kanilang terminal ay sa unang araw ng Disyembre kung saan unang ruta nito ang Tuguegarao-Manila at Manila Tuguegarao.

--Ads--

Pangunahin sa mga hahanapin o kinakailangan ng mga biyahero ay ang kanilang vaccination cards para sa mga fully vaccinated individuals habang Negative RT PCR o Antigen Test result naman para sa mga hindi fully vaccinated.

Bahagya namang nagkaroon sa pagtaas ng pamasahe na naglalaro sa Isang libo Isang daaan at limampung piso dahil mula sa apatnapu’t siyam na pasahero ay nasa tatlumpu’t dalawang pasahero nalamang ang pinahihintulutang maisakay ng bawat bus unit Upang maiwasang magkumpulan ang mga pasahero at matiyak na masususnod parin ang health protocols.

Ayon sa LTFRB region 2 layunin ng muling pagbabalik operasiyon ng mga Provincial Busses ang mabuhay muli ang ekonomiya at matulungan ang iba pang sektor na naapektuhan ng pandemiya sa lambak ng cagayan.

Patuloy namang umaasa ang LTFRB region 2 na pahihintulutan na ng ilan pang LGU ang pagbabalik operasyon ng mga bus terminal sa kanilang nasasakupan.

Naging positibo naman ang tugon ng taumbayan sa naturang anunsyo ng Bus terminal na umani ng libong likes at share sa social media.

Ayon sa ilang netizen, umaasa rin sila na mapahintulutan narin ang operasiyon ng mga provincial buses sa kani kanilang mga lugar.