CAUAYAN CITY – Nasa kalahati lamang sa target na bilang ng mga job seekers sa rehiyon ang nabigyan ng pagkakataon na makahanap ng trabaho sa isinagawang face to face job fair ng DOLE Region 2.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Information Officer Chester Trinidad ng DOLE Region 2 sinabi niya na ang kanilang isinagawang job fair sa Integrated Terminal Complex sa Malvar Santiago City.
Umabot lamang sa 392 ang bilang ng job seekers na nagtungo sa nasabing one time job fair ng DOLE Region 2 at matapos ang opening ay magpapatuloy na ang mga ito sa pag-aapply sa mga employers.
Nasa dalawamput apat namang job seekers ang agad na nakuha sa trabaho at maaari nang makapagsimula sa kanilang pinasukang trabaho.
Ang mga hindi naman pinalad ay inirefer ng DOLE sa iba pang participating agencies
Ayon kay Information Officer Trinidad, mababa sa kanilang inaasahang bilang ang nagtungo sa Job Fair at marahil ay dahil sa takot pa rin ang iba sa Covid 19.
Aniya nasa 688 na job openings sa nasabing job fair mula sa lokal at sa ibang bansa.
Ang face to face job fair ay kauna-unahang isinagawa ng DOLE ngayong taon dahil mahigit dalawang taon na nila itong hindi naisasagawa dahil sa pandemic.
Maliban sa Job Fair ay nagdisplay din sila ng mga livelihood products ng mga asosasyon sa Rehiyon na agad namang naubos dahil pinakyaw ng mga nagpunta.
Umabot sa tatlumpung libong pisong halaga ng produkto ang naibenta sa Job Fair ng DOLE Region 2.
Nagsagawa rin ang DOLE ng Labor Education sa mga employees at job seekers upang alam nila ang kanilang karapatan sa trabaho.











