CAUAYAN CITY– Hinihintay pa ng mga petitioner ang kopya ng desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa pagdedeklarang labag sa batas ang Section 4 ng Anti terror Law (Republic Act 11479)
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Domingo “Egon” Cayosa, dating pangulo ng Integrated Bar of the Phils. batay sa Supreme Court decision, sinasabing labag sa batas ang Section 4 ng RA 11497
Natuwa anya sila dahil napagpasyahan kaagad ito ng Korte Suprema.
Welcome din sa kanila ang nasabing kapasyahan ng kataas taasang hukuman dahil palatandaan ito na umiiral ang rule of law at primacy of constitution sa ating bansa.
Nagsama sama anya sila sa IBP at tinulungan ang mga petitioners na iprotesta ang probisyon ng Anti Terror Law na sa tingin nila ay labag sa batas at para sila ay maliwanagan.
Pangunahing nais nilamg malaman ang laman ng Section 4 ng Anti Terrorism Law kaugnay sa depenisyon kung ano ang ibig sabihin ng terroristic Act at kapangyarihan ng Anti-terrorism Council na maglabas ng kautusan para mag-aresto.
Sa botong 12-3 na super majority ng Justices ng Supreme Court ay idineklarang labag sa batas ang Section 4 ng RA 11497.
Kapag naideklarang labag sa saligang batas ang isang probisyon ay kinakailangang alisin ang nasabing probisyon at amyendahan ang naturang batas.
Dapat anyang aralin ng mga mambabatas ang mga batas upang hindi nila maulit ang pagkakamali.
Sinabi pa ni Atty. Cayosa na hindi nila kinukuwestyon ang paglaban sa terorismo ngunit kailangang masunod ang batas.