--Ads--

CAUAYAN CITY – Tuluyan nang nawala sa karera ngayong susunod na halalan ang liderato ng ruling party na PDP Laban dahil sa pag atras ng mga namumuno sa kandidatura.

Ito ang naging pahayag ni Ginoong Dennis Coronacion, isang Political Analyst sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan matapos ang withdrawal ni Pangulong Duterte kahapon sa kanyang kandidatura sa pagkasenador.

Ang problema aniya ngayon ay ang mga kandidatong na nakaline up sa PDP Laban na maaring sumali na lamang sa ibang partido.

Wala namang magiging sagabal kung sakaling lumipat ang mga ito ng partido at ibang presidential candidate na ang kanilang susuportahan.

--Ads--

Dahil sa pag atras na ni Pangulong Duterte sa kandidatura ay inaabangan na rin kung sinong presidente ang kanyang susuportahan.

Ayon kay Ginoong Coronacion malaki ang tiyansang ibibigay niya ang suporta sa anak na si Mayor Sara para sa pagkabise presidente ngunit malabo naman kay dating Senador Bongbong Marcos dahil sa kanyang mga nakaraang patutsada tungkol dito na tumatakbo bilang presidente.

Aniya kailangang maayos ang mga batas ng bansa tungkol sa eleksyon dahil sa dami ng mga kandidatong nagwiwithdraw.

Aniya nagpapatunay lamang ito na hindi sila desidido sa kanilang ginagawa at dapat na maging maingat ang publiko sa pagpili ng kandidato lalo na ang mga tumatakbo sa matataas na posisyon.

Dahil sa atras-abanteng desisyon ng mga kandidato ay nawawala rin ang tiwala ng tao sa kanila dahil maaaring sa susunod na eleksyon ay muli ring gagayahin ng mga susunod na kandidato ang atras abanteng pagtakbo sa mga posisyon sa pamahalaan at sisira sa political system ng bansa.

Ang bahagi ng pahayag ni Ginoong Dennis Coronacion.