Isandaang bahagdan nang handa ang mga manlalaro ng Pilipinas sa gaganaping 9th Mombasa Open International Tong IL Moo Do championship na magsisimula ngayong araw.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Master Nicky Rambuyon, Tong IL Moo Do Vice President na nagsimula na ang kanilang orientation sa rules ng Tournament at nakapag-adjust ang kanilang mga manlalaro dahil umuulan ngayon sa nasabing bansa.
Ang koponan ng Pilipinas ay binubuo ng labing pitung delegado na kinabibilangan ng labing isang manlalaro na galing sa iba’t ibang rehiyon ng bansa at anim na opisyal .
Sinabi ni Master Rambuyon na nagsanay sila ng tatlong buwan bago tumulak patungong Kenya.
Dahil anya sa mahigpit ang health protocols sa Pilipinas ay nagbibigay na lamang siya ng mga direction online para sa ,mga manlalaro at nasusundan naman nila ang programs at training na kanyang ibinigay.
Noong 8th Mombasa Open International Tong IL Moo Do championship ay naging over-all Champion ang Pilipinas at umaasa silang makakamit ang back to back over-all champion.
Ginawa ng pamahalaan ng Kenya ang tournament upang ipakilala ang second largest City ng Kenya na Mombasa upang maipakita sa iba’t ibang bansa ang kagandahan ng naturang lugar.
Dahil sa kilala at progreso ang martial arts organization na Tong IL Moo Do sa Pilipinas ay palaging naaanyayahan ang bansa na sumali sa Mombasa Open International Tong IL Moo Do championship.
Sa labing isang manlalarong sasabak sa Mombasa Open International Tong IL Moo Do championship ay limang manlalaro na residente ng Cauayan City ang napiling best player na kakatawan sa Pilipinas.
Taun-taun anyang sumasali ang Pilipinas sa Mombasa Open International Tong IL Moo Do championship.
Dahil sa nararanasan ngayong pandemya ay napakahirap sa kanila ang magbiyahe ngunit tinitiyak naman nilang nasusunod ang mga health protocols pangunahin na sa mga paliparan.
Inihayag naman sa Bombo Radyo Cauayan ni SK Chairman Jayson Purificacion, isa sa limang manlalaro na galing dito sa Lunsod ng Cauayan na handang handa na silang sumabak sa Mombasa Open International Tong IL Moo Do championship.
Kasama niyang galing dito sa Cauayan City ang mga manlalarong sina Aldrich Orianza, Renel Desuyo, Renier Desuyo at Marjude Delos Santos.
Inihayag din niya ang pasasalamat sa mga opisyal ng pamahalaang Lunsod ng Cauayan na nagbigay ng pinansiyal na suporta.
Nagsanay anya sila upang makasungkit ng gintong medalya ay makuha ang over-all champion sa 9th Mombasa Open International Tong IL Moo Do championship.