--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagtungo ang mga health workers sa tanggapan ng  Department of Health (DOH) upang mangaroling.

Nagsagawa sila ng mga Christmas carols para hingin kay Kalihim Francisco Duque  ng DOH ang mga benepisyong hindi pa naibibigay sa mga healthcare workers lalo nasa pribadong sektor.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Jao Clumia, Presidente ng St. Luke’s Medical Center Employees Association, sinabi niya na nagkaroon ng dayalogo sa pagitan nina Undersecretary Leopoldo  Vega  at iba pang assistant secretary  ng DOH.

Mayroon silang ipinangako na partial na benepisyo na nakapaloob sa Bayanihan 2.

--Ads--

Dahil may pondo  ay maaaring ipalabas bago matapos ang Disyembre 2021.

Sa Meal Accomodation Transportation Allowance ay may matatanggap ang mga health workers na 3,500  pesos.

Ayon kay Ginoong Clumia, napag-usapan nilang lider-manggagawa na tanggapin ang nasabing halaga  kaysa sa wala.

Ang COVID-19 compensation  ay gagawan ng paraan para maipalabas dahil kailangang magkaroon ng validation sa mga requirements.

Ang Special Risk Allownce (SRA)) ay may cut off at maaaring hindi sila napasama  nang maghain sila ng mga requirements noong Agosto 2021.

Sa 2022 ay itutuloy ang singular allowance ng mga health workers.

Ganito ang bahagi ng pahayag ni Ginoong Jao Clumia.

Ang pahayag ni Ginoong Jao Clumia.