
CAUAYAN CITY – Nakaalerto ang 5th Infantry Division Philippine Army at ang hanay ng pulisya sa Cordillera Administrative Region at Lambak ng Cagayan upang paghandaan ang posibleng paglulunsad ng opensiba ng New Peoples Army may kaugnayan sa nalalapit nilang anibersaryo sa ika dalawampu’t anim ngayong Disyembre.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Captain Rigor Pamittan, DPAO Chief ng 5th ID, sinabi niyana sinisikap nilang matontun ang kinalalagyan ng mga nalalabing improvised explosive devices na maaaring ipinakalat ng NPA kasabay ng pagkakasamsam ng ilan pang IED’s sa Mabaka, Balbalan, Kalinga.
Mas pinagting na rin ng militar ang kanilang pakikipag pulong sa mga Local Government Units o LGU’s sa Kalinga katuwang ang pulisya upang mamonitor ang posibleng paglulunsad ng opensiba ng NPA bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang ng anibersaryo.
Matatandaang taong 2018 nang huling maglunsad ng opensiba ng rebeldeng grupo at nilusob ang Ag-agama patrol base sa Lubuagan, kalinga kung saan kinuha ng NPA ang baril ng mga CAFGU at isang sundalo ang nasawi.
Dahil sa naturang pangyayari ay mas hinigpitan ng 5th ID ang pagbabantay sa kanilang nasasakupan na nagreresulta upang mapigilan ang masamang hangarin o paghahasik ng kaguluhan ng makakaliwang grupo.










