
CAUAYAN CITY – Inihayag ng Police Regional Office o PRO 2 na pangkalahatang mapayapa ag ikalawang rehiyon ilang araw bago ang pagdiriwang ng Pasko.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Lt. Col. Efren Fernandez, tagapagsalita ng Police Region Office o PRO 2 na batay sa kanilang assessment ang buong rehiyon dos ay wala pang naitalang di kanais nais na pagyayari.
Bago pa man nagsimula ang Misa De Gallo ay nagsagawa na sila ng paghahanda upang matiyak ang mapayapang pagsasagawa ng Misa De Gallo sa rehiyon.
Tuloy tuloy anya ang pagbibigay serbisyo ng mga pulis upang matiyak ang kalligtasan ng mga mamamayan.
Sinabi pa ni Lt. Col. Fernandez na nakikita na nilang sumusunod sa mga health procotols ang mga mamamayan pangunahin na ang pagsusuot ng facemask
Sa panahon anya ng Christmas at Bagong Taon ay nakaalerto ang mga pulis upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.










