
CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagmonitor ng Office of the Civil Defense o OCD Region 2 sa mga lugar na maaaring mabaha dahil sa mga pag ulan.
Matatandaang ilang overflow bridges dito sa lalawigan ng Isabela na ang napaulat na hindi madaanan dahil lubog na sa tubig baha.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Michael Conag, ang tagapagsalita ng OCD Region 2 sinabi niya na dahil sa patuloy na pag ulan sa upstream ng ilog Cagayan ay kanilang minomonitor ang mga landslide prone at low lying areas na maaaring mabaha pangunahin na sa lalawigan ng Cagayan.
Umaasa naman ang OCD Region 2 na gumanda na ang panahon upang hindi na maapektuhan ng pagbaha ang mga nasabing lugar.
Sa kasalukuyan ay nakablue alert status ang OCD Region 2 at mga DRRMCs bilang paghahanda sa maaaring pagbaha at pagsasagawa ng preemptive evacuation sa mga maaapektuhang residente.
Ayon kay Ginoong Conag nakapreposition at 24/7 na naka stand by ang mga local DRRMCs sa kanilang mga AOR para sa posibleng emergency response dahil sa patuloy na pag ulan.










