--Ads--

CAUAYAN CITY – Handang magkakaloob ng tulong ang pamahalaang panlalawigan ng isabela sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao na lubhang sinalanta ng bagyong Odette.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Gov. Rodito Albano na tinawagan niya ang ilang gobernador at mayor tulad nina Mayor Oscar Moreno ng Cagayan de oro City  at Governor Gwen Garcia ng Cebu  para alamin kung paano makapagpaabot ng tulong ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela.

Ayon kay Gov. Albano, hindi makapagbibigay ang Isabela ng cash  dahil patapos na ang taon at kailangang ibalanse ang cash ng lalawigan

Nangangamba rin si Gov Rodito Albano na kung patuloy ang pag-ulan ay maaaring magdulot ng pagbaha kaya kailangang maghanda ang pamahalaang panlalawigan.

--Ads--

Bago aniya magbigay ng tulong ay tingnan muna ang magiging sitwasyon sa Isabela.

Ayon kay Gov Albano, nakamonitor ang PDRRMC sa sitwasyon at maaaring itaas ang antas ng alert level dahil hindi na madaanan angoverflow bridge sa bayan ng Sta. Maria at Cauayan City.

Ang pahayag ni Gov. Rodito Albano