
CAUAYAN CITY – Nasa walumput limang bahagdan na ang natapos ng DSWD Region 2 sa pamamahagi ng UCT o Unconditional Cash Transfer.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ms. Christine Bonus ang UCT Regional Field Coordinator ng DSWD Region 2 sinabi niya na nagsimula muli silang magbigay ng cash assistance sa mga benepisaryo noong buwan ng Hulyo matapos na matigil dahil sa mga ipinatupad na restriksyon dahil sa Covid Pandemic.
Aniya ang UCT ay binubuo ng tatlong tranche; ang una ay ang UCT Pantawid na para sa mga myembro ng 4Ps, sumunod ang Listahanan na para sa poorest of the poor at ang Social Pension para sa mga social pensioners noong taong 2018 at ang huling naibigay ng DSWD ay para sa taong 2020 ngunit natigil dahil sa pandemya.
Marami pang utang ang ahensya para sa taong 2019 at ang ibinibigay ng DSWD sa mga benepisaryo ay cash cards na mula sa Landbank na naglalaman ng 3600 pesos at ang mga utang ng ahensya ay ihahalo na sa laman ng cash cards.
Nasa 25,349 na myembro ng Listahanan na target na mabigyan sa lalawigan ng Isabela at nasa 22,038 na ang kabuuang nabigyan assistanceo 86.94% sa target population.
Ayon kay Ms. Bonus a mga natirang 15% o ang tinatawag nilang variants at pinakamaraming parte sa variants ang mga benepisaryong namatay na maging ang mga benepisaryong mula sa mga remote o coastal areas dahil mahirap maabot ng mga kawani ng DSWD.
Sumunod ang mga benepisaryong hindi nakapunta sa pamamahagi ng cash cards at ang mga nakakulong noong kasalukuyan ang payout.
Ngayon ay hinihintay pa ng DSWD Region 2 ang ilalabas na guidelines ng Punong Tanggapan para maibigay ang cash cards sa mga representante o kamag anak ng namatay na benepisaryo.
Ayon pa kay Ms. Bonus hindi pa sila nagbibigay para sa UCT Social Pensioners dahil ginagawa pa ang kanilang cash cards.
Umaasa naman ang DSWD Region 2 na maipadala na ng punong tanggapan ang mga cash cards para sa mga senior citizens sa unang bahagi ng taong 2022.




