--Ads--

CAUAYAN CITY – Patok na pasyalan ngayon ang barangay Cabulay kung saan matatagpuan ang Peter Pan Themed Eco Park.

Sa kabila nito tiniyak ng tanggapan ng barangay na maayos na nailalatag ang mga health standards para sa mga bumibisita sa lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kagawad Cesar Duran ng barangay Cabulay nagsimulang ipatayo ang nasabing Eco Park may kaugnayan sa kanilang pagtugon sa Gawad Husay at galing Competition ng Lokal na Pamahalaan at nang sumapit  ang kapaskuhan ay nataon na Peter Pan Theme ang naatas na tema sa kanila kaya naman pinaganda pa ng mga ito ang lugar.

ang pagbuo sa nasabing Eco Park ay pinangunahan ng kanilang Konseho, Barangay. Structure, barangay Tanod at tanggapan ng Sangguniang Kabataan ng barangay  na tumagal ng nasa isa hanggang dalawang buwang preparasyon na kinokonsiderang bagong attraksyon ngayon sa kanilang lugar.

--Ads--

Makikita sa lugar ang ilang palamuting Peter Pan Inspired at centro ng attraksyon ang Tree House, cave light at mga instagramable photoboots na inilatag sa lugar dagdag pa rito ang ibat ibang pailaw na inilatag na nagbibigay ng kakaibang dating sa nasabing park.

Sa ngayon ay wala munang Entrance Fee ang kanilang Eco Park dahil sa Holiday Season naman.

Bukas ito tuwing  Alas Sais ng Gabi hanggang alas diyes ng gabi na minamandohan ng kanilang mga kasamahan at barangay tanod.

Nasa higit limampung  katao  sa gabi at araw ang bumibisita sa lugar na ang iba ay nagmumula pa sa ibang barangay  O ibang Bayan

Tiniyak naman ng tanggapan na nailalatag ng maayos ang Minimum Health Protocol sa lugar sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga karagdagang kawani at kasapi ng barangayna siyang sumusuway sa mga kataong hindi nagsusuot ng Facemask.