--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa 1,225 Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program beneficiaries sa Nagtipunan nakatanggap na ng kanilang sweldo mula sa DOLE Region 2.
Sa pamamagitan ng DOLE – Quirino Field Office katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino ay isinagawa ang payout para sa mga benepisaryo at maihabol sa pagdiriwang ng pasko.
Ayon kay DOLE-QFO Head Laura B. Diciano ang nasabing payout ay pamaskong handog sa mga benepisaryo upang magkaroon sila ng gastusin ngayong holiday season.
Ang mga TUPAD beneficiaries sa nasabing lalawigan ay nagtrabaho sa agro-forestry at sila ay nakatanggap ng tig-P3,700.00 para sa sampung araw nilang pagtatrabaho.
--Ads--










