
CAUAYAN CITY – Dumoble ang presyo ng Letchong Baboy batay sa nakuhang impormasyon mula sa ilang Lechon Vendors sa Lungsod.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa ilang Lechon Vendors mas mahal ngayon ang bentahan ng lechong baboy dahil mahal din ang pasa ng mga dealers sa kanila.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Delia Reymundo, isang Litson Vendor sa lungsod ng Santiago, nasa dalawang libong piso ang itinaas sa kada Letchong Baboy ngayong taon kumpara noong nakaraang taon dahil sa umanoy mahal ding pasa sa kanila ng mga dealers.
Ayon sa Lechon Vendor, noong nakaraang taon nasa anim na libong piso ang benta sa bawat maliit na lechong baboy ngayong taon ay nasa walong libong piso na.
Dagdag pa rito na nasa labing limang libong piso naman ngayon ang nasa apatnapong kilo ng baboy na noon ay nabebenta lamang ng labing dalawang libong piso bawat isa.
Mabenta rin ngayong taon ang Lechong Belly na nasa dalawang libong piso ang bawat tatlong kilo na mas swak sa budget ng karamihan.










