--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakapagtala ng walong biktima ng paputok ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council PDRRMC sa pagsalubong ng bagong taon.

Pito mula sa walong pasyente aY biktima ng lusis, kwitis, fountain  at iba pang ligal na paputok habang ang isa ay biktima ng ipinagbabawal na paputok na super lolo.

Dalawang ang naitala sa bayan ng Echague, Isabela habang isa sa Nagrumbuan, Cauyan city, dalawa sa Tumauini, dalawa sa Cabagan at isa sa San Pablo., Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PDRRM Officer Ret. Gen. Jimmy Rivera sinabi niya na pinakabata sa mga biktima ng paputok ay 16 anyos habang ang pinakamatanda ay 48 anyos.

--Ads--

Sa kabila nito ay pangkalahatang naging maayos ng pagsalubong ng bagong taon sa  Isabela dahil walang naitalang biktima ng sunog gayun din na walang naging biktima ng ligaw ng bala.

Nakahanda naman ng PDRRMC na panagutin ang individual na nagbenta ng iligal na paputok sa  bayan ng Echague.

Ayon kay PDRRM Officer Rivera makikipag-ugnayan sila sa pulisya maging sa mga biktima upang alamin kung saan nabili ang mga ginamit na paputok.

Kabilang din sa kanilang minomonitor ang aksidente sa daan ngunit naghihintay pa sila ang ulat mula sa iba’t ibang  himpilan ng pulisya sa Isabela.

Ang pahayag ni Ret Gen Jimmy Rivera