--Ads--

CAUAYAN CITY – Muling tumaas ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City matapos ang pagdiriwang pasko at bagong taon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. GLenn Matthew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC, sinabi niya na muling tumaas ang bilang ng mga covid patient sa pagamutan na nagtala ng 16 na confirmed cases habang 19 ang suspect case.

Nanatiling pinakamataas ang mula sa Cagayan na pumalo sa 14 na kaso habang isa ang naitala sa lalawigan ng Isabela.

Naiatala ang 15 na suspect cases sa Cagayan, dalawa sa Isabela at dalawa sa Tabuk City,  Kalinga.

--Ads--

Ang biglaang pagtaas ng Covid patients sa CVMC ay ikinabigla ng pamunuan nito dahil sa pag-aakalang magtutuloy-tuloy na ang downtrend ng COVID 19 na nagbunga ng pagbabawas nila ng mga isolation rooms.

Ang pagtaas ng mga kaso ay resulta ng pinangangambahang Omicron Variant dahil noong January 1, 2022 ay muling nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mahigit 3,000 na COVID-19 cases sa buong bansa na lubhang mataas kumpara sa naitatalang mahigit 100 na aktibong kaso sa mga nakaraang linggo.