
CAUAYAN CITY – Inaasahang maganda ang panimula ng taon ng tatlumpu’t anim na agrarian reform beneficiaries sa bayan ng Dupax Del Norte matapos na igawad Department of Agrarian Reform DAR ang tatlumpu’t anim na certificate of land ownership upang matulungan ang mga magsasaka na walang sariling sakahan.
Sa nakuhang impormasiyon ng Bombo Radyo Cauayan sa DAR Nueva Vizcaya, pinangunahan ni Provincial Agrarian Reform Officer Engr. Rustico Turingan ang pamamahagi ng mga titulo ng lupa sa mga magsasaka ng Dupax Del Norte.
Ang iginawad na lupain ay may kabuuang sukat na 45,275 hectares sa ilalim ng serbisyong DAR to Door.
Ang mga CLOA ay inihatid ng DAR sa mismong tahanan ng mga benepisaryo katuwang ang DAR municipal office ng DUPAX Del Norte.
Umaasa ang tanggapan na magsisilbing pag-asa at inspirasyon ang mga titulo ng lupa sa mga benipisyaryo at kanilang pamilya upang mapaunlad ang kanilang estado sa buhay.
Labis naman ang pasasalamat ng mga benipisyaryo sa tanggapan na umani ng positibong reaksiyon mula sa mga residente.










