--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi inaasahan ng pamahalaang lunsod ng Santiago na isasailalim ito sa alert  level 3 kaugnay ng pagtaas ng  mga kaso ng  COVID-19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Santiago City Health Officer Genaro Manalo na ngayong araw ay talagang magpapatupad sila ng mga paghihigpit dahil sa patuloy na pagtaas ng  mga kaso ng COVID-19.

Noong Sabado at Linggo aniya ay pito lamang ang kaso ng COVID-19 sa Lunsod ngunit ngayong araw ay umabot na sa 65.

Ayon kay Dr. Manalo, lumabas  sa contact tracing na marami sa mga nagpositibo ang galing sa Metro Manila.

--Ads--

Ang mga nagpositibo rin na healthcare workers ng isang ospital ay galing sa Metro Manila.

Nagpulong ang mga opisyal ng Santiago City Inter-Agency Task Force para talakayin ang mga paghihigpit.

Ayon kay Dr. Manalo, kabilang sa mga ipatutupad nilang hakbang ang pagtigil sa night market, ang pagbabawas sa capacity ng mga hotel, restaurant maging ang mga pagtitipon tulad ng kasal, binyag at  pagdiriwang ng karaawan.

Tuluy-tuloy aniya ang antigen test at RT-PCR test sa mga mamamayan.

Ang hinaing ni Dr. Manalo ay inaabot ng isang buwan ang specimen sample na dinadala sa Metro Manila para sa genome sequencing.

Mas maganda aniya kung mabilis ang resulta para malaman kung anong variant ang kumapit sa mga tinamaan ng virus sa Lunsod ng Santiago.

Sinabi pa ni Dr. Manalo na maghihigpit na rin sila sa mga vaccination sites tulad ng pagsunod sa social distancing at isang metro na ang pagitan ng bawat isa at ang mga magtuturok ng bakuna ay dapat nakasuot ng face shield.

Sa 65 na  akibong  kaso sa Lunsod ng Santiago ay 21 ang nasa ospital, 22 ang nasa home qarantine dahil mild lang ang sintomas habang 7 ang nasa quarantine facility.

Ang pahayag ni Dr. Genaro Manalo