--Ads--

CAUAYAN CITY – Pansamantalang sususpindihin ang face to face classes sa Lunsod na magsisimula sana sa ikasampo ng Enero matapos isailalim sa alert level 3 ang Lunsod.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Jonathan Fronda, Asst. Schools Division Supt. ng SDO Santiago City na noong ikatatlo ngayong Enero ay nagsagawa sila ng simulation limitted face to face classes at pormal sana nilang isasagawa ang face to face classes sa dalawang paaralan.

Ito ay kinabibilangan ng San Jose  Integrated  School at Santa Rosa Elementary School.

Matagumpay anya ang kanilang isinagawang simulation noong ikatatlo ng Enero dahil nagpamahagi pa ang pamahalaang Lunsod ng Santiago ng gamit ng mga mag-aaral tulad ng mga bags at PPEs.

--Ads--

Isinagawa anya ang aktuwal na pagpasok ng mga bata kung saan galing sila sa kanilang mga bahay hanggang dumating sa mga paaralan at dinala ang mga batang mag-aaral sa triage area bago pinapasok sa kanilang mga silid aralan.

Sa San Jose Integrated School ay mahigit isang daang mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 3 ang nakatakda sanang pumasok gayundin sa Santa Rosa Elementary School.

Inihayag ni Dr. Fronda na kapag isinailalim ang isang lugar sa alert level 3 ay awtomatikong sususpendihin ang face to face classes.

Dahil dito babalik sa modular class at blended learning ang mga batang mag-aaral.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Jonathan Fronda.