--Ads--

CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 123 ang mga pasyente sa COVID-19 sa ward ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Lunsod ng Tuguegarao.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Glenn Matthew Baggao, medical center chief ng CVMC, sinabi niya  na mula sa 88 kahapon ay naging 123 na hanggang kaninang alas siyete ng umaga.

Wala pang kumpirmasyon aniya kung ang mga pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon ay bunsod ng Omicron variant.

Sa 123 ay 83 ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 habang  40 ang mga suspect patients.

--Ads--

Pinakamarami ang mula sa Cagayan na 71 at  39 dito  ang mula sa Tuguegarao City.

Sa Isabela ay 6 habang ang 5 ay mula sa Kalinga at isa sa Apayao.

Sa mga suspect cases ay 34 ang mula sa Cagayan at 14 dito ang mula sa Lunsod ng Tuguegarao.

Ang iba pa  ay mula sa Kalinga, Cabagan, Quezon, Tumauini at Lunsod ng Ilagan sa Isabela.

Ayon kay Dr. Baggao, nagdagdag sila ng COVID-19 isolation facility.

May bagong isolation facility na 34 at madadagdagan ng  64 bed isolation facility sa loob ng compound ng  CVMC.

Ibinalik din nila  ang 250 allocated covid rooms na binawasan nila noong Disyembre 2021 matapos bumaba ang mga COVID-19 patients na dinala sa CVMC.

Tiniyak din ni Dr. Baggao na  sapat ang kanilang supplies at gamot kontra COVID-19.

Sinuspindi rin ang  operasyon ng Out Patient Department (OPD) para sa kapakanan ng mga pasyente at mga staff.

Iniiwasan muna ang face to face consultation sa OPD para mapangalagaan ang mga personnel at pasyente.

Binanggit din ni Dr. Baggao na may mga healthcare workers ng CVMC ang nagpapagaling matapos tamaan ng COVID-19.

Ang pahayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao